MANILA, Philippines — Iniulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na kayang lumusot sa “SIM card registration” ang ilang kahina-hinalang identification cards — ito’y matapos mapag-alamang pwedeng makapagrehistro rito kahit hayop ang nasa litrato ng ID.

“We entered the face of an animal and different names. Natanggap pa rin,” banggit ni NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lotoc nitong Martes ng gabi sa pagdinig ng Senado.

Aniya, sinubukan nilang i-testing ito gamit ang iba’t ibang telecommunications company noong Lunes nang gabi bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon.

Dagdag ni Lotoc, madali na ngayong gumawa ng government IDs online at magpatong lang basta ng litrato sa ibabaw nito.